- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Gloc-9( Aristotle Pollisco )
-
Tinta
Pwedeng Asul Pwedeng Itim Pwedeng Pula Pwedeng Iba, ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila. Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang Ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga, letra na parang petsa sa kalendaryo, magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na parang gamot ng albularyo.
Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-anim Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg, ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada. Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma na ang tawag ay tula, ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na, sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.
Pwedeng Asul Pwedeng Itim Pwedeng Pula Pwedeng Iba, ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila. Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.
ahh ahh ahh ahh ahh(2x)
Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon, kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat Find more lyrics at ※ Mojim.com Ng isang makatang laging titingalain ng lahat Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat Na balang araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin.
Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay At walang makakapigil, kahit minsan ay parang wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.

|